By Ariel Presbitero
Hundred of thousands of abandoned children roamed the cities of Brazil. These children are used and abused and even gunned down by the police when it suits them. Pope John Paul II in his New Year’s message has appealed to us to open our hearts to these lost abandoned by the world.
Ang Brazil ay ang pinakamalaking bansa sa South America. Pagkatapos ng napakaraming pagsubok, lumalago ngayon ang ekonomiya ng bansa, sa katunayan ang Brazil ang pinakamamalaking exporter ng kape at asukal sa buong daigdig . Subalit di rin mapagkaila na marami pa rin itong problemang kinakaharap. Isa na dito ang mga kabataang makikitang palaboylaboy sa mga daan at kalye ng Brazil.
Maliit na bilang sa mga batang ito ay anak ng mga Pilipino seamen na nakarating sa Brazil. Mapapansin na maraming daungan ng barkong pang iternasyonal sa Brazil: Santos, Rio de Janeiro, Vitoria, Paranugua at Recife.
Masayang masaya ang mga crew ng barko pag dumadaan sila sa Brazil sapagkat siguradong makapagbabakasyon sila. Pagkatapos ng higit na anim na buwan sa gitna ng karagatan, sino ba naman ang di matutuwa? Sa kanilang pagbabakasyon may nakilala silang mga kababaihan ng Brazil na ang karamihan ay sadyang umaakyat sa barko at lumalapit sa kanila. Magkakaroon sila ng panandaliang relasyon. Pagkatapos aalis na ang mga crew at maiiwan ang mga babae. May mga pagkakataong nagkakaroon sila ng anak.
Hinahanap ng mga batang ito ang kalinga at pagmamahal ng kanilang ama. Nangangarap silang makita ang mukha ng kanilang ama. Nagnanais rin silang makarating sa Pilipinas. Subalit babalik po kaya ang kanilang ama sa Brazil? Magkikita kaya sila ng kanilang mga ama? Makakarating kaya sila sa Pilipinas?
Lahat ng bansa sa buong daigdig ay nakararanas ng ganitong uri ng problema. Sana mamulat na ang lahat na inosenting bata ang nagdusa bunga ng iresponsabling kilos ng mga tao.
Tugunan natin ang panawagan ng Santo Papa. Bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga bata – isang mapayapang kinabukasan!