In Rizal Park, there is a strange stone placed in the ground and surrounded by railings. This stones commemorates the shocking conditions of the poorest of the poor, the most forgotten. At this stone, every 17th of the month, volunteers of the ATD Fourth World Association meet for inspiration as they struggle to walk with the outcasts of the world.
The founder of ATD Fourth World, Fr. Joseph Wresinki, wrote the accompanying poem and prayer.
Para sa milyong kabataan na namimilit sa hapdi ng gutom, na ni hindi na makuhang ngumiti, datapwa’t, umaasam pa ring magmahal.
Para sa milyong mga kabataan na wala nang dahilan upang maniwala, kahit na ang mabuhay, walang saysay na naghahanap sa kanilang bukas sa mundong ito.
Aming ama, dinggin mo ang aming panalangin,
Magpadala Ka ng manggagapas sa anihan.
Para sa milyong mga kalalakihan, kababaihan at mga anak na ang mga puso’y tumitibok pa rin nang buong lakas sa kumpas ng pakikibaka, ang mga isip nila’y tumanggi sa hindi makatarungang kapalarang ipinataw sa kanila, ang kanilang kagitingan ay may katumbas na walang kasing halagang karangalan.
Aming Ama, dinggin mo an gaming panalangin,
Magpadala ka ng manggagapas sa anihan.
Para sa milyong mga anak, mga kababaihan at kalalakihan na hindi ginustong mamuhi, nagnanais silang magmahal, magdasal, gumawa at magkabigkis-bigkis, upang sa gayon ay isilang ang mundo ng pagkakaisa.
Isang mundo, ating mundo, na ang lahat ng mga tao, bago sumakabilang buhay ay makapag-iwan ng pinakamabuti mula sa kanilang mga sarili.
Aming Ama, dinggin mo an gaming panalangin,
Magpadala ka ng manggagapas sa anihan
Upang ang lahat ng mga nananalangin
Sa pagiging kapiling nila ang Diyos ay makatagpo ng katugunan. At makatanggap sa Kaniya ng lakas upang alisin ang karalitaan sa sangkatauhan, ang sangkatauhan sa nilikhang kawangis Niya.
Aming Ama, dinggin mo an gaming panalangin,
Magpadala ka ng manggagapas sa anihan
--Fr. Joseph Wrensinski, 17 Oktubre 1987